Kagawad na ikakasal, todas sa riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | Enero 22, 2023
COTABATO CITY -- Isang kagawad na ikakasal ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Rosary Heights 9, sa lungsod na ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Kagawad Kingdom Mangansakan, residente ng Bgy. Makasendeg, Pikit, North Cotabato.
Ayon sa ulat, habang nakatayo si Mangansakan malapit sa isang mall nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Mangansakan na nakatakda sanang ikasal kahapon sa Cotabato City.



Comments