top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kagawad, kritikal sa pamamaril

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 10, 2023


LEYTE -- Isang kagawad ang nasa kritikal na kondisyon nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Consuegra, bayan ng Leyte sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay si Kagawad Junie Dela Pena, 51, nakatira sa Bgy. Tag-abaca, sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Dela Pena ang kanyang sasakyan ay bigla siyang pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang salarin.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ngayon ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page