Kagawad, kinatay ng lasing
@Balitang Probinsiya | Pebrero 13, 2024
SARANGANI -- Isang barangay kagawad ang pinagtataga hanggang mapatay ng isang lasing kamakalawa sa Brgy. JP Laurel, Malungon sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Pedrito Tampole, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Samantala, hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, nagwala ang suspek na armado ng itak kaya inawat ito ni Tampole, pero imbes magpaawat ay pinagtataga nito ang biktima.
Agad namang nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong murder at illegal possession of deadly weapon.



Comments