Kagawad binoga ng lasing
@Balitang Probinsiya | Enero 4, 2023
BATANGAS—Isang barangay kagawad ang nasa kritikal na kondisyon nang pagbabarilin ng lasing kamakalawa sa Bgy. Rizal, Lipa City.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Roberto Aranez, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.
Nakilala naman ang suspek na si Niel Sison, nasa hustong gulang, na tumakas matapos ang pamamaril.
Ayon sa ulat, habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ay naglabas ng baril at nagpaputok sa ere ang suspek kaya’t inawat ito ni Aranez na ikinagalit ni Sison, kaya pinagbabaril nito ang biktima.
Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.



Comments