Kagawad arestado sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | February 17, 2021
NORTH COTABATO—Isang kagawad ang nadakip sa drug-bust operation ng kamakalawa sa Bgy. Malayan, Mlang.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kagawad Moises Soniel, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Soniel kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation dahilan kaya nadakip ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu, baril at mga bala sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments