top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kagawad, arestado sa child abuse

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 5, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 5, 2023


SORSOGON -- Isang kagawad na wanted sa kasong child abuse ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. San Rafael, Castilla sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Noel Bitancul, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.


Nabatid na hinuli ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nakita ng mga awtoridad ang suspek sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip sa naturang lugar.


Kusang sumama ang suspek at hindi nanlaban sa mga awtoridad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page