Kagawad, arestado sa buy-bust
- BULGAR
- Aug 24, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 24, 2023
MASBATE -- Isang kagawad na drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tanque, Pio V. Corpuz sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Kagawad Leandro Batuto, 33 at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments