top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kagawad, arestado sa boga

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 6, 2023


CAPIZ -- Isang barangay kagawad ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng isang baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Dapdapan, Sapian sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kagawad Virgilio Peralta, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.


Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Peralta at dito nakumpiska ang isang baril na kalibre .45 pistola at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page