Kabataang naliligaw ng landas, gabayan, bigyan ng pag-asa
- BULGAR

- Jun 30, 2025
- 1 min read
by Info @Editorial | June 30, 2025

Hindi na raw nakakagulat na maraming kabataan ngayon ang nasasangkot sa krimen. Sa isang sistemang pinababayaan ang edukasyon, kulang sa oportunidad, at puno ng korupsiyon, saan sila kakapit?
Habang ang mga opisyal ng gobyerno ay abala sa pulitika at pansariling interes, ang kabataan ay nahuhulog sa mga bitag ng kahirapan at karahasan. Tila walang maayos na programa at walang malinaw na direksyon. Sa madaling salita, bulok ang sistema.
Ang kabataan ay produkto ng lipunan. Kung sila’y naliligaw ng landas, ibig sabihin, may mga nagkukulang.
Nabigong maibigay ang maayos na edukasyon, kabuhayan, at proteksyon para sa mga kabataan. Sa halip na paaralan, kalsada ang tahanan ng marami. Imbes na aklat, droga at armas ang nahahawakan nila.
Hindi pa huli ang lahat, sagipin at bigyan ng pag-asa ang mga kabataang nasasangkot sa krimen at ilayo ang mga nalalantad sa masamang gawain.






Comments