Search
  • BULGAR

Jockeys Hernandez, J.o.y at Guce, top earner ng SLLP

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | June 27, 2020



Itinanghal bilang Jockey of the Year si Class A Jockey Jonathan B. Hernandez at top Earning Jockey si Class A Jockey Jesse B. Guce ng taong 2019 kamakailan sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) Carmona, Cavite.


Iginawad ng Philippine Racing Commission (Philracom) na Jockey of the Year kay Jockey Hernandez makaraang manalo ang Union Bell na itinanghal na Horse of the Year.

Ayon sa Philracom si Hernandez ang napiling natatanging hinete ng taon makaraang ihatid sa walang talo ang 2 year old na Union Bell.


Ang Union Bell ay pagmamay-ari ng Bell Racing Stable at binigyan ng parangal sa katatapos na 2020 Philracom Awards sa Chantilly Bar sa San Lazaro Leisure Park (SSLP) sa Carmona, Cavite.


Iginawad kay Class A Jockey Guce ang Top Earning Jockey of the Year nang magkampeon sa Presidential Gold Cup nang ipanalo ang kabayong Super Sonic noong Disyembre.

Si Guce ang No.1 jockey makaraang pangunahan ang dami ng naitalang panalo noong 2019.


Nakapagtala si Jockey Guce ng 501 na sakay na may rekord na 109 na panalo, kasama ang 79 na segunda , 75 na tersera at 64 na 4th places.


Si horseowner Atty. Narciso O. Morales ang Top Earning Horse Owner of the Year sa naitalang 1,754 na laban.


May rekord na 221 ang panalo, 248 na segunda, 219 na tersera at 234 ang 4th places.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.