JK, may major concert na
- BULGAR
- Aug 11, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel @Entertainment News | August 11, 2024

Magtatanghal ang singer-songwriter na si juan karlos sa SM Mall of Asia Arena para sa ‘juan karlos LIVE’ sa Nobyembre.
Si Paolo Valenciano ang director ng ‘juan karlos LIVE’, habang si Karel Honasan ang magiging musical director.
Sumikat si JK sa edad na 13 dahil nasungkit niya ang ikatlong puwesto sa debut season ng The Voice Kids noong 2014.
Naglabas muna siya ng dalawang solo album bago bumuo ng kanyang banda,ang juan karlos. Ang pinakabago niyang single na “Ere” ay nakapagtala ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pinoy music na umabot sa Spotify’s Global Chart, sa No. 177 na may higit sa 1.22 million streams sa loob ng 24 oras, at kalaunan ay umakyat sa No. 87.
Kamakailan lamang ay bumalik si juan karlos sa pag-arte sa drama-thriller ng ABS-CBN na ‘Senior High’ at sa spin-off nito na ‘High Street.’







Comments