Jessy, nasa TV5 na… LUIS, SA ABS-CBN PA RIN
- BULGAR

- Aug 26, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | August 26, 2020

Pagandahan ng blog-vlog ang mga artista ngayon at kung sino ang mas controversial ang content, mas nagugustuhan at mas marami ang subscribers.
Sa vlog ni Jessy Mendiola na guest ang BF niyang si Luis Manzano, may tanong ang aktres kung hindi ba pumasok sa isip ni Luis na i-break siya? Of course, “wala” ang sagot ni Luis na kinakiligan ng mga viewers.
May naikuwento naman si Luis na noong six or seven years old siya, isinama siya ng mom niyang si Congw. Vilma Santos sa grocery para ma-experience ang normal na buhay.
“Ito ‘yung attempt ni Mommy na bigyan ako ng isang normal life. Nu'ng bata ako, dinala niya ako sa grocery. Siguro, mga six ako nito or seven years old, para ma-experience na ‘yung mommy, kasama ‘yung anak, ‘di ba grocery? Pagtapak pa lang namin, siguro mga tatlong tapak pa lang, parang mall show, hindi na kami naka-forward.”
Hindi nabanggit ni Luis kung nasundan pa o never na ang paggo-grocery nila ng kanyang mom.
Samantala, kung si Jessy ay may show sa TV5, si Luis ay mananatili sa ABS-CBN at may online show sila ni Long Mejia na Lucky’ng Tulong na tutulong daw sa mga naagrabyado.





Comments