Jeepney driver tiklo sa shabu
@Balitang Probinsiya | November 6, 2022
ALBAY—Isang jeepney driver ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. 37-Bitano, Legazpi City.
Hindi muna pinangalan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan pa ito upang mabatid ng mga awtoridad kung sino ang nagsu-supply ng droga.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang awtoridad sa naturang barangay, kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments