top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Jeepney driver, nilikida ng rider

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 12, 2023



BATANGAS -- Isang jeepney driver ang namatay nang barilin ng isang rider kamakalawa sa Bgy. Sta. Anastasia, Sto. Tomas sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Ruel Catimbang, 40, at nakatira sa Bgy. Bagbag, Tanauan City sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Catimbang ang pinapasada niyang jeep ay biglang sumulpot ang hindi kilalang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Catimbang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page