Jeepney driver, binoga ng tandem
@Balitang Probinsiya | May 5, 2023
ILOILO—Isang jeepney driver ang nasa kritikal na kondisyon nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Bayuyan, Estancia sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jelly Cuacoyco, 53, residente ng Bgy. Abong, Carles sa nasabing lalawigan.
Nabatid na nakaupo umano si Cuacoyco sa waiting shed nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay tumakas ang dalawang suspek.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang mga suspek.



Comments