Jeepney barker, dinedbol
@Balitang Probinsiya | April 11, 2023
NEGROS OCCIDENTAL—Isang jeepney barker ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. 2, Bacolod City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay nakilalang si Stephen Bachoco, 32, nakatira sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, habang naglalakad si Bachoco sa nasabing barangay ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima saka tumakas ang suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon para mabatid ang motibo sa naganap na krimen.



Comments