top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Jeep vs. pick-up, 1 patay, 6 sugatan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 11, 2021



MAGUINDANAO—Isang driver ang namatay at anim katao pa ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang pampasaherong jeep at pick-up kamakalawa sa Bgy. Ladia, Sultan Kudarat.


Ang nasawi ay si Mohammad Kadil, driver ng pampasaherong jeep, samantalang sugatan ang mga pasahero nitong sina Diokno Kadilag, Eyyad Buisan, Geraldo Segindera, driver ng pick-up na si Benjamin Malang at mga kasama nito sa sasakyan na sina Nelson Adil at Norhaina Datumaong, pawang nakatira sa naturang lalawigan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis umano ang takbo ng jeep na minamaneho ni Kadil at pick-up na minamaneho naman ni Malang kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.


Napag-alamang nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Kadil.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page