Jeep nahulog sa bangin, 1 patay, 29 sugatan
- BULGAR
- Mar 14, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 14, 2023
QUIRINO—Isang pasahero ang namatay at 29 iba pa ang sugatan nang mahulog ang kinalululanan nilang pampasaherong jeep kamakalawa sa bangin na sakop ng Bgy. Gregorio Pimentel, Diffun sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ang pangalan ng nasawing biktima at mga pasaherong nasugatan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng preno ang jeep na minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya nahulog sa bangin ang nasabing sasakyan.
Nabatid na agad namang sumaklolo ang mga residente at dinala sa pagamutan ang mga biktima, pero ang isa sa pasahero ay idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.


Comments