Japanese, patay sa sunog
@Balitang Probinsiya | October 06, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 80-anyos na Japanese national ang namatay nang masunog ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Tabugon, Kabankalan City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gaiji Fukuda, may asawang Pilipina na residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa hindi pinangalanang misis ni Fukuda ay lumabas siya ng kanilang bahay at naiwan mag-isa ang kanyang mister hanggang nabalitaan niyang nasunog ang kanilang bahay.
Sinabi ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng mag-asawang Fukuda kaya tumawag sila ng bumbero, pero mabilis na tinupok ng apoy ang nasabing tirahan at hindi na nailigtas ang biktima.
Makalipas ang ilang oras ay naapula rin ang apoy at sa ngayon ay iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog sa tahanan ng mag-asawang Fukuda.



Comments