Janitor ng munisipyo, todas sa kuryente
@Balitang Probinsiya | Oct 31, 2021
CAPIZ--Isang janitor ng munisipyo ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. Poblacion Sur, Sigma.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Domingo Bacalangco, nasa hustong gulang, janitor ng Sigma Municipal Hall at residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, binuhat ni Bacalangco ang isang tent para dalhin sa public cemetery at aksidenteng natapakan nito ang isang live wire na nakakonekta sa welding machine kaya nakuryente ang biktima.
Nabatid na sa lakas ng boltahe ng kuryente ay nagkaroon ng 3rd degree burns sa katawan ang biktima.
Kaagad dinala ng kanyang mga kasamahan sa trabaho si Bacalangco sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments