top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Janitor, natagpuang patay sa iskul

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 17, 2020



AKLAN—Isang janitor ang natagpuang patay kamakalawa sa kanyang kuwarto sa loob ng eskuwelahan sa bayan Kalibo.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Felipe Zemolaba, residente ng Ibajay sa nasabing lalawigan at stay-in janitor ng St. Dominic School of Kalibo.


Ayon sa ulat, ilang helper ng eskuwelahan ang nakatagpo sa naagnas na bangkay ng biktima sa kuwarto nito sa compound ng eskuwelahan.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong tatlo o apat na araw nang patay ang biktima.


Inaalam na ng pulisya ang sanhi ng pagkamatay ni Zemolaba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page