Jail officer, tinodas
@Balitang Probinsiya | June 5, 2023
BATANGAS—Isang jail officer ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Santo Tomas City sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Jail Officer Leonardo Coronan, nakatalaga sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Laguna at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang tindahan si Coronan ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Coronan.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments