Ivana, pinaiyak ang kapatid sa sorpresang titulo ng lupa
- BULGAR

- Sep 16, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 16, 2020

Hindi napigilang maluha ng kapatid ni Ivana Alawi na si Hashim Alawi dahil sa sorpresang titulo ng lupa ng aktres.
Sa YouTube vlog ni Ivana, titled “New House + Surprising Hash,” sinabi niyang hindi mahilig sa mga materyal na bagay ang kanyang kapatid at pinagtawanan lamang daw siya nito nang sinabi niyang bibigyan niya ito ng mamahaling relo kaya napagpasyahan ng aktres na bilhan na lang ito ng lupa.
Sey ni Ivana, “Para at least, magagamit niya. Puwede niyang ipatayo para sa magiging asawa niya, sa mga anak niya. For his future.”
Ang akala ni Hash ay magpupunta lamang sila sa biniling lupa ni Ivana para sa kanilang ina.
Wala itong kaalam-alam na sa subdivision ding iyon ay may pa-surprise land na rin si Ivana para sa kanya.
Nang makarating sila sa lupa, ibinigay ni Ivana kay Hash ang isang briefcase na naglalaman ng land title. Nang binasa ito ni Hash, akala niya ay pina-prank lamang siya ng aktres ngunit nang nalamang niyang totoo ito, hindi na niya napigilan ang maluha at aniya, “It’s too much, Mariam (real name ni Ivana).”
As of this writing ay mayroon nang 3.2 million views at 388 K Likes ang naturang vlog ni Ivana.





Comments