top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Istasyon ni Bro. Eddie Villanueva, Vice… IT'S SHOWTIME, BALIK-TV NA SA ZOE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 6, 2020
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 6, 2020




Good news sa mga sumusuporta sa programang It's Showtime dahil mapapanood na ito sa Zoe Broadcasting Network simula sa Sabado (October 10).

Pag-aari ng Jesus Is Lord Church (JIL) na pinamumunuan ni Bro. Eddie Villanueva ang Zoe TV station at bagong karagdagang channel na mapapanood sa Sky Cable simula sa October 8, 2020.

Ang airing ng It’s Showtime sa Zoe Channel na isang free TV ang tinutukoy ni Vice Ganda nang magbitaw ito ng salita na: “Better days are coming,” sa isang episode ng kanilang noontime show noong nakaraang linggo na napapanood sa Kapamilya Channel.

Kung hindi magkakaaberya ang launching ng It's Showtime sa ZOE, tiyak na makakatapat nito ang TV5's noontime show na Lunch Out Loud na pangungunahan naman nina Bayani Agbayani, Billy Crawford, Wacky Kiray, KC Montero, K Brosas at ang ibinalik muli as co-host na si Alex Gonzaga.

Nakatakda naman sa October 19 ang pilot telecast ng Lunch Out Loud, ang noontime show ng BrightLight Productions na mapapanood sa TV5.

Balita ngang magkakaroon ng live telecast ang It’s Showtime sa October 19 dahil tatapatan nito ang pagsisimula ng Lunch Out Loud.

Hindi na bago ang pakikipag-collaborate ng ZOE sa ibang channel gaya ng GMA-7. At ngayong panahon ng pandemya, ang partnership ng Zoe Broadcasting Network at ng ABS-CBN Corporation ang nabuo kaya may bagong "free TV home" ang mga programa at artista ng Kapamilya station.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page