top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Istambay, timbog sa shabu at boga

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 11, 2024


ANTIQUE -- Isang istambay ang inaresto ng mga otoridad nang makumpiskahan ng umano’y shabu at baril kamakalawa sa Brgy. 5, San Jose sa lalawigang ito.

 

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Raymond Juala, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay. 

 

Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad si Juala sa buy-bust operation sa nabanggit na barangay matapos pagbentahan ng umano’y shabu ang mga operatibang nagpanggap ng buyer.

 

Nakakumpiska ang pulisya ng 105 gramo ng hinihinalang shabu, isang baril at mga bala sa pag-iingat ng suspek.

 

Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page