Istambay, tiklo sa 4 boga at mga bala
- BULGAR
- Feb 19, 2024
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Ika-19 ng Pebrero, 2024
BULACAN -- Isang istambay ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng apat na baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Pulilan sa lalawigang ito.
Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Pedro Calderon, nasa hustong gulang, walang trabaho at residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Calderon at dito nakumpiska ang apat na iba’t ibang uri ng baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa 4-counts ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions.
Comentários