Istambay na pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | November 8, 2022
CAMARINES NORTE—Isang istambay na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Población Norte, Paracale.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa pangalang "Roy" habang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, si "Roy" ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments