top of page
BIDA - KUH, PABOR SA TITO-KIKO TANDEM SA 2028, SINOPLA NG NETIZENS-IG _kuhledesma &reallys

Istambay at torpe, dapat nang maghanapbuhay dahil makikilala ang mapapangasawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| July 6, 2020




KATANUNGAN

  1. Paano mawawala ang pagiging mahiyain at mahina ang loob dahil sa edad kong 25 ay wala pa rin akong girlfriend? Kailan ako magkaka-girlfriend at magkakaroon ng regular na trabaho?

  2. Istambay lang ako ngayon at kung minsan ay pasabit-sabit sa mga pinsan ko at nagpapaturo magmaneho ng traysikel, pero noong naglockdown, lalong nasira ang diskarte ko dahil nasa bahay lang ako maghapon.

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing may malinaw naman at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, torpe ka man o hindi marunong manligaw, may babae pa ring mahuhumaling sa iyong kaguwapuhan at sandaling ginusto at minahal mo rin siya, siguradong siya na ang mapapangasawa mo at makakasama habambuhay.

  2. Ang pag-aanalisang magkaka-girlfriend ka rin at tuluyang makapag-aasawa ay madali namang kinumpirma ng may lower loop na pirma, na nagsasabing buo at buhay ang iyong libido. Sa sandaling nagtuluy-tuloy ang sulak nito, ang nasabing sexual energy ang siya ring magtutulak sa iyo upang manligaw nang kusa at mag-asawa sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.

  3. Ang dapat mo lang gawin ngayon, Gilbert ay maghanap muna ng regular na pagkakakitaan upang kapag may girlfriend ka na at nagplano na kayong magpakasal, mayroon kayong sapat na salapi na magagamit para sa itatayo at bubuuin n’yong pamilya.

  4. Samantala, ayon naman sa iyong Career Calendar, imbes na magsasama ka sa pinsan mo at magsasabit sa kanyang traysikel, mas makabubuti kung maghanap ka ng sarili mong pagkakakitaan sa pamamagitan ng mga pag-a-apply sa mga factory at iba pang kumpanya na tugma sa skill at kakayahan mo.

DAPAT GAWIN

Sa pagsunod sa mga binanggit ng paraan sa itaas, sa sariling diskarte at pagsisikap, ayon sa zodiac sign mong Capricorn, na kinumpirma ng matatayog na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, sa 2021, makakatagpo ka ng disente, regular at matatag na trabaho at sa trabaho mo ring ito makikilala ang magiging first and last girlfriend mo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page