Isnatser ng cellphone, nasakote
@Balitang Probinsiya | December 1, 2023
ILOILO CITY -- Isang isnatser ng cellphone ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Magsaysay, La Paz District sa lungsod na ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Florio Fior, 43, residente ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep ang hindi pinangalanang biktima ay biglang inagaw ni Fior ang hawak nitong cellphone.
Dahil dito, agad humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima at sa mabilis na responde ng mga otoridad ay nadakip ang suspek.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong qualified theft laban sa isnatser.



Comments