top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Isnatser ng cellphone, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 13, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 13, 2023



AKLAN -- Isang isnatser ng cellphone ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Numancia sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Uziel Solanoy, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang nanonood ng basketball sa kanilang barangay ang biktimang si Fiona Albino, 19, ay biglang inagaw ni Solanoy ang hawak na cellphone ng dalaga.


Dahil dito, agad humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima at sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay nadakip ang suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong qualified theft laban sa suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page