Isnatser arestado
@Balitang Probinsiya | June 29, 2023
CAMARINES SUR -- Isang isnatser ng cellphone ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Igualdad, Naga City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng mga awtoridad na si Reno Quinto, 27, residente ng Bgy. Bahao, Libmanan sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng isang tindahan ang hindi pinangalanang babaeng biktima ay biglang inagaw ni Quinto ang hawak nitong cellphone.
Dahil dito, agad humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima at sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay naaresto ang suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong qualified theft laban sa suspek.



Comments