Iskul, tinupok ng apoy
- BULGAR
- Aug 19, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 19, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang eskwelahan ang nasunog kamakalawa sa Bgy. V., San Carlos City sa lalawigang ito.
Tinupok ng apoy ang Colegio de Sta. Rita sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa treasurer’s office ng eskwelahan at mabilis na kumalat ang apoy kaya naabo ang buong paaralan.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay nabatid na faulty wiring ang naging sanhi ng sunog.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.



Comments