ni Jenny Rose Albason @Life & Style | Oct. 29, 2024
Hi, ka-Iskulmate! Ikaw ba ay isang college student na gustong mag-unwind sa gitna ng nakaka-stress na college life? Kung oo ang iyong sagot, sure akong may mga listahan ka na ng mga destinasyong gusto mong puntahan, mula sa mga breathtaking na beach hanggang sa mga sikat na tourist spots. Hindi ba?
Pero ang tanong, paano kung tight ang budget? Don’t worry, Iskulmate! May mga paraan pa rin naman para makapag-explore at makapag-enjoy kahit na saks lang ang money. Gets mo?
Pero ang tanong, paano kung tight ang budget? Don’t worry, Iskulmate! May mga paraan pa rin naman para makapag-explore at makapag-enjoy kahit na saks lang ang money. Gets mo?
Sa article na ito, ibabahagi namin ang mga budget-friendly travel tips na hindi lang makakatulong sa iyo sa pag-save ng pera kundi siguradong magdadala rin sa iyo sa mga unforgettable adventures.
Kaya naman, handa ka na bang i-pack ang iyong mga gamit at simulan ang journey nang hindi nalulugmok sa utang?
Tara na’t tuklasin ang mga paraan upang mag-travel ng masaya at abot-kaya! Let's go!
RESEARCH BEFORE YOU PACK. Mag-research muna ng off-peak na panahon para sa napili mong destination. Minsan, sa off-season may mababang rates sa accommodation at transportation.
Maghanap ng student discounts – marami nito, lalo sa mga museums, at parks. Basta huwag lamang kalilimutan ang school ID at ‘wag mahiyang magtanong! Oki?
D.I.Y. TRAVEL PLANNER. Planuhin ang itinerary pero iwasang gumamit ng masyadong mahal na tour packages.
Mas makakatipid ka kung ikaw mismo ang magbu-book ng bus o anumang rides na gusto mo. Subukan mo rin mag-research sa Google Maps at mga travel blogs para sa libre at hidden gems.
Pero wait lang, dahil may mga pre-order na rin ng tickets online, may bonus pa dahil may chance ka pang makakuha ng discounts! Oh ‘di ba? Malaki na rin ang matitipid mo ru’n ha?
GROUP TRAVEL. Ang bawat barkada ay puwedeng mag-share ng expenses sa food, transpo, at accommodation.
Isipin n’yo na lang na para lang iyang group project, pero mas masaya at walang recitation. Mga Iskulmates, tandaan na sharing is saving! Oki?
Subukan ang mga hostels o Airbnb na may mga options for shared rooms. Oh, ha! Makaka-less na kayo, sama-sama pa kayo sa iisang kuwarto. Hindi ba mas masaya iyon?
PACK LIGHT, TRAVEL RIGHT. Pack light lang, Iskulmate! Ang mahal ng bayad para sa extra luggage, lalo na kung balak n’yo mag-airplane.
Saka, mas convenient mag-travel kung saks lang ang mga bitbitin n’yong gamit.
Pro-tip: Kung may mga free samples o maliit na packaging ng toiletries, iyan na ang dalhin mo.
STREET FOOD + GROCERY FINDS = SULIT MEALS. Ang street food ay hindi lang masarap, budget-friendly pa! Huwag kayong mahiyang sumubok ng mga local street food, dahil kadalasan dito n’yo matitikman ang mga pagkaing hinahanap-hanap ng inyong kalamnan.
Kung medyo sensitive ang tiyan, grocery finds ang best choice. Mag-prepare din kayo ng baon from home para mas makatipid pa lalo!
"DO IT FOR THE GRAM" – PERO LOW-COST LANG. Kung photos at memories ang hanap mo, hindi mo na kailangan pa ng mamahaling lugar. Piliin ang mga scenic spots na walang entrance fee o yung mga parks at mga art installations.
Tipid-hack: gamitin ang phone camera nang maayos! Hanapin ang natural lighting para sa mga Instagram-worthy na pictures.
MAX OUT PUBLIC TRANSPORT AND FREE RIDES. Saan man mapadpad, gamitin ang local public transport, tulad ng tricycle, jeep, o bus. Hindi lang ito mas mura, mas mai-experience mo pa ang local vibe ng lugar.
Kung may free shuttle o kahit “pa-hitch” sa mga friendly locals, i-grab ang opportunity (pero siyempre, maging safe pa rin!).
At ayun na nga! Sa kabila ng lahat ng gastos at hassle ng pagiging college student, maaari pa rin tayong makapag-travel nang abot-kaya.
Ang mga adventure at experiences ay hindi laging nakadepende sa laki ng budget; minsan, ang tunay na halaga ng paglalakbay ay nasa mga kuwentong baon natin pabalik.
Always remember, hindi mo kailangang maging mayaman para maging isang explorer.
Mag-plan, mag-share ng expenses, at cherish the moments—dahil ang pinakamagandang alaala ay madalas nangyayari sa mga simpleng sitwasyon.
Ngayon, isara ang laptop, iwanan muna ang stress sa school, at simulan ang iyong travel journey.
Ibahagi n’yo rin ang inyong mga budget-friendly adventures at ipakita sa mundo na ang saya ng buhay college ay hindi lang nakatuon sa pag-aaral kundi pati na rin sa pag-i-explore!
Kaya, ano pang hinihintay mo? Grab your bags, summon your travel buddies, at tara na—ang mundo ay naghihintay! Safe travels at happy exploring, Iskulmates!
Oh, nag-enjoy ba kayo Iskulmates? Ang Iskul Scoop ay ang pinakabagong column namin dito sa Bulgar na naghahatid ng mga balita at kuwento tungkol sa mga kaganapan sa iba't ibang paaralan. Layunin nitong magbahagi ng mga makabuluhang impormasyon at tips na makakatulong sa mga estudyante sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa eskuwelahan.
So, kung gusto n'yong maging bahagi rin ng Iskul Scoop at meron kayong mga kuwento, inspiring stories o events na gusto n'yong i-share sa mga ganap sa inyong campus, mag-email lang sa iskulscoop@gmail.com para mailathala sa aming pahayagan.
Comments