top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Isang libong Food packs handog ng PCSO sa Barangay Roxas, Quezon City

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2023
  • 1 min read

by Justin B. Santos at Aaron Erwin E. Austria @Brand Zone | August 25, 2023




Mandaluyong City. Pinangunahan ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Melquiades A. Robles ang pamamahagi ng 1,000 food packs kay Kagawad Ma. Concepcion Maglaya Capili ng Brgy. Roxas, Quezon City na ginanap sa 4th Floor, Executive Lounge ng Office of the General Manager, Sun Plaza Building, Mandaluyong City noong ika-22 ng Agosto, 2023.


Sa maikling mensaheng ipinabatid ni Kagawad Capili sinabi niyang "mula po sa pamunuan ng Brgy. Roxas, Quezon City kami po ay taos pusong nagpapasalamat kay GM Robles, sa mga Opisyales at empleyado ng PCSO. Sinisigurado ko po sa inyo na ang inyong ibinahaging food packs ay siguradong makakarating sa aming mga residenteng binaha sa nakaraang mga sunod sunod na bagyo sa ating bansa. Sa mga hindi pa po nakaka alam, ang lugar namin ay bahain kaya po alam kong malaki po ang maitutulong nito sa aming mga kabarangay. Maraming salamat po."


Ang mga food packs na ito ay nagmula sa programang Corporate Social Responsibility ng PCSO na kung saan isa sa mga nasasakupan nito ay ang pagbibigay ng mga pangunahing tulong tulad ng food packs sa mga pamahalaang lokal na nakakaranas ng kalamidad.


Umapela naman si GM Robles na patuloy na tangkilikin ang mga gaming products ng PCSO upang sa gayon ay makalikom ang ahensya ng pondo para sa iba't ibang charity programs nito. PCSO, Hindi Umuurong Sa Pagtulong.


Akda ni: Justin B. Santos/ Aaron Erwin E. Austria Larawan ni Edwin B. Lovino



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page