Isa patay sa magnitude 6.6 na lindol sa Masbate
- BULGAR

- Aug 19, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 19, 2020

Isa ang namatay sa naganap na magnitude 6.6 na lindol sa Cataingan, Masbate nitong Martes ng umaga habang isa rin ang sugatan.
Nakapag-iwan ng matinding pinsala sa naturang lugar ang lindol kung saan ilang kabahayan at imprastraktura ang nasira.
Ayon sa Bicol police, kinilalang si Gilbert Sauro, retired policeman, ang nasawi sa naturang lindol matapos umanong gumuho ang bahagi ng bahay nito sa Sitio Alimango, Barangay Concepcion.





Comments