top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ipinost pa sa socmed… RUFFA, VINA, KARLA, JACKIE, DONITA AT SUNSHINE, NAG-SWIMMING KAHIT PANDEMIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2020
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 8, 2020



Nagkasama-samang muli ang magkakaibigang sina Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Karla Estrada, Jackie Forster, Donita Rose at Sunshine Cruz.


Ipinost ni Sunshine sa kanyang Instagram account ang picture niya with her celebrity friends habang nakalublob sila sa swimming pool.


Bagama't nagkikita at nagkakatawagan naman ang mga magkakaibigan, nagmistulang reunion ang pagkikita-kita ng mga ito na pawang mga sikat noong dekada '90.


Sa caption na inilagay ni Sunshine sa kanyang IG post ay malinaw na nangyari ang pagkikita-kita nila bago ideklara ang pagbabalik ng MECQ (Modified Enhanced Community Quarantine) sa Metro Manila noong August 4.


Inilagay din ni Sunshine sa kanyang caption ang dahilan ng pagba-bonding nilang muli.

"Taken before MECQ. So happy to see these beautiful momshies for Donita’s despedida. We will miss you Dee. We love you!" post ni Sunshine.


Sa dulo ng caption niya ay may paabiso na agad siya na bago sila nagkasama-sama ay nagpa-covid-19 test daw muna silang lahat.


"We all had our COVID-19 test before meeting up and tested negative thank God."


Isa-isa namang nag-post ng comment sina Ruffa, Vina at Jackie.

"Wahhhhh I love you all!!!!" say ni Vina.


Comment naman ni Ruffa, "Wahhhhhh love this day!!!! Love you girlssss."


Ibinuking naman ni Jackie sa kanyang comment na hiniram lang kay Vina ang mga suot nilang swimwear.


"Thank you@vina_morales for providing all of our swimsuits. Ang sisikip pero all for sudden request ni @dashdonita."


Mukhang matatagalan bago makabalik ulit ng Pilipinas si Donita. Kung kailan naman nag-decide si Jackie na mag-stay na ulit sa 'Pinas, saka naman aalis si Donita.


Sa Instagram account ni Donita ay mababasa ang comment ng iba niyang kaibigan tungkol sa kanyang pag-alis sa bansa.


Anyway, saanman magpunta si Donita, for sure, may matinding dahilan kung bakit lilisanin niyang muli ang 'Pinas.


Pero bago umalis si Donita, may speaking engagement pa siya sa Sabado.


Magse-share ng encouragement from the Bible si Donita sa ABS-CBN Fellowship na mapapanood sa Facebook.


"Please catch this tonight in FB. It will hopefully encourage you and remind you that our God is faithful," post ni Donita sa kanyang Instagram.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page