top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Internet sa mga iskul, kailangang tutukan

BULGAR
Apr 20, 2022
1 min read

@Editorial | April 20, 2022


Ngayong balik-face-to-face classes na, tiyak na maraming mapag-uusapang isyu sa edukasyon.


Mapag-aaralan at mabibigyan din ng solusyon ang mga problema sa distance learning at maging sa loob mismo ng paaralan kabilang na ang sa internet.


Batay sa ulat, halos siyam sa bawat 10 public school teachers sa Metro Manila ang nagsabing hindi maaasahan sa online classes ang internet signal sa mga paaralan.


Base sa isang survey sa 9,254 teacher-respondents, 87.6 porsyento ang sumagot na hindi maaasahan ang internet signal para sa pagsasagawa ng sabay-sabay na online classes. Inilabas ang resulta ng survey kasabay ng unang araw ng pagpapatupad ng Memorandum No. 29 ng Department of Education (DepEd) para sa pagpasok na ng lahat ng mga pampublikong guro sa paaralan sa mga lugar kung saan umiiral ang Alert Level 1.


Sa panahon ngayon, talagang maituturing nang pangangailangan ang internet. Bukod sa komunikasyon, ito rin ang nagtatawid ng kaalaman.


Sana'y magkaroon ng mas malawak at konkretong paraan para magkaroon ng mabilis na internet sa mga iskul. Kailangan din nating makasabay sa ibang bansa. Taglay na natin ang mga guro at mag-aaral na likas na matalino at matiyaga, kailangan na lang ng suporta para mas magamit at mapaunlad.


Panawagan sa ating gobyerno, tiyak na may mga nabalangkas nang proyekto o programa para rito, pagpapatupad na lang ang dapat na mas matutukan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page