top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ingat pa more ngayong ‘new normal’

BULGAR
Mar 2, 2022
1 min read

@Editorial | March 2, 2022


Simula kahapon, Marso 1, pinayagan na ng gobyerno ang 100 porsiyentong seating capacity sa mga pampublikong sasakyan.


Kasunod ito ng pagbaba sa Alert Level 1 o ‘new normal’ ng Metro Manila.


Sa LTFRB Memorandum Circular Number 2022-028, nakapaloob na kung ang biyaheng intrazonal o interzonal ay nasa pagitan ng Alert Level 1 at isang lugar na may mas mataas na alert level, ang seating capacity na susundin ay ibabatay sa may mas mataas na antas ng alerto.


Hindi na rin kailangan ang mga plastic barrier o divider, na kadalasang ginagamit sa mga jeep at bus.


Habang mahigpit pa ring ipinatutupad ang tamang pagsusuot ng facemask sa mga pasahero, drayber at konduktor.


Samantala, mananatili naman sa 70% ang seating capacity sa mga lugar na hindi kabilang sa Alert Level 1.


Paalala sa lahat, sundin pa rin ang health and safety protocols para sa ligtas na pagbiyahe.


Bagama’t hindi na umano required ang social distancing, mas mainam pa rin na magkusa sa pagkakaroon ng distansiya para makaiwas pa rin sa posibleng pagkalat ng COVID-19. Pumila pa rin ng maayos at iwasang magsiksikan sa loob ng sasakyan.


Tandaan natin, tayo’y nasa pandemya pa rin kaya kailangang mas mag-ingat hanggang sa tuluyan nang makontrol ang sitwasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page