Information officer, huli sa shabu

@Balitang Probinsiya | December 4, 2020
CAGAYAN DE ORO CITY—Isang barangay information officer ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Zone 2, Bgy. Iponan.
Kinilala ang suspek na si Jomari Gaabon, information officer ng Bgy. Baikingon sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay nang malamang nagbebenta ng shabu si Gaabon kaya nadakip ang suspek.
Nakakumpiska ang pulisya ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Gaabon.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments