top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Indian National, patay sa ambush

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 15, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 15, 2023


MAGUINDANAO DEL SUR -- Isang Indian national ang namatay sa nangyaring ambush at pamamaril ng mga armadong salarin kamakalawa sa national highway, Buluan sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Singh Lazman, nasa hustong gulang at residente ng Cotabato City.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Lazman ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang mga hindi kilalang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page