Inaway ng jowa, kelot nagbigti

@Balitang Probinsiya | March 13, 2021
AKLAN—Isang 23-anyos na binata na inaway ng kanyang nobya ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa kanyang sarili kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Balete.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalan ng pulisya ang biktima.
Napag-alamang ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa ulat, bago umano nagpakamatay ay narinig ng kanyang mga kamag-anak na kausap sa cellphone ng biktima ang nobya nito na waring inaaway ang binata.
Dahil d’yan ay inalis na ng pulisya na may foul play sa pagkamatay ng biktima dahil posibleng kaya umano ito nagbigti ay dahil inaway ng kanyang nobya.



Comments