Inabandonang ‘hot logs’ narekober
- BULGAR
- Sep 11, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 11, 2023
CAGAYAN -- Narekober ng mga awtoridad kamakalawa ang inabandonang mga “hot logs” o mga punong-kahoy na ilegal na pinutol sa kabundukan ng bayan ng Pamplona sa lalawigang ito.
Ang nasabing mga “hot logs” ay narekober ng mga awtoridad sa kabundukan ng Sitio Zimigi sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga abandonadong putol na kahoy sa naturang lugar.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at kinuha ang mga putol na punong-kahoy at dinala sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa lalawigan.
Pinaghahanap na ng pulisya ang mga suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.



Comments