Search
  • BULGAR

Inabandonang ‘hot logs’, narekober

@Balitang Probinsiya | February 28, 2021


NUEVA ECIJA—Narekober ng mga awtoridad kamakalawa ang inabandonang 430 board feet na “hot logs” na illegal na pinutol sa kabundukan ng Bgy. Pias, General Tinio.


Sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang mga illegal loggers na nag-abandona ng “hot logs” sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may nagpuputol ng kahoy sa naturang lugar kaya agad rumesponde ang mga operatiba, pero nakatakas ang mga suspek.


Sa tantiya ng mga awtoridad ay aabot sa halagang P17, 200 ang inabandonang “hot logs” sa nabanggit na lugar.


Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.