Ina, tinaga ng anak

@Balitang Probinsiya | January 23, 2021
QUEZON—Isang ina ang sugatan nang tagain ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. Calutcot, Burdeos.
Nakilala ang biktima na si Ligaya delos Santos, 78-anyos, samantalang ang suspek ay ang anak nitong si Randy, 38-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Kaagad nakarepsonde ang mga awtoridad ay nadakip ang suspek na sinampahan na ng kasong attempted parricide.
Kasalukuyan pang ginagamot sa ospital ang biktima na nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan.



Comments