Search
  • BULGAR

Imbiyerna sa tita na maraming say sa buhay ng iba

Dear Roma Amor - @Life & Style | June 29, 2020




Dear Roma,


Ako si EJ, 28. Naiinis ako sa kamag-anak namin na maraming sinasabi sa bawat kilos ng pamilya namin. Noong nakaraang linggo, nag-celebrate kami ng 60th birthday ng Daddy ko. Sobrang intimate ng celebration namin dahil wala naman kaming bisita, nasa bahay lang kami at anim lang kami sa pamilya. As usual, nag-picture taking kami para may memories at in-upload na rin sa social media. Hindi ko naman inasahan na magko-comment ng nega ang tita ko sa mother’s side. Sabi niya, kesyo may trabaho kaming magkakapatid kahit may pandemic, ang lalakas naming gumastos at nakukuha pa naming mag-post sa FB na parang nang-iinggit pa raw. Hindi ko ma-gets kung bakit niya kailangang mag-comment dahil hindi namin intensiyon na mainggit. Nakaka-disappoint lang dahil kung sino pa ang kadugo namin, sila pa ‘yung nakikialam. – EJ


EJ,


Sa totoo lang, may mga tao na hindi kayang maging masaya para sa atin at ang masaklap, kaanak pa natin sila. ‘Kalokah! Wala namang masama sa ginawa n’yo dahil una, wala naman kayong nilabag na batas at wala siyang “say” kung gusto n’yong gumastos para sa inyong ama at isa pa, pinaghirapan n’yo ang perang ginastos n’yo. Kung wala kang masamang intensiyon sa pagce-celebrate at pagpopost sa socmed, dedmahin mo na lang. ‘Ika nga, ‘di natin kailangan ng nega sa buhay. Okay?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.