top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Imbiyerna sa super-strict na parents kahit 23-anyos na

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2022
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | February 02, 2022



Dear Sister Isabel,


Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang inyong pamilya at mga kasamahan sa BULGAR. Ang problema ko ay ang aking mga magulang.


Bakit kaya ganu’n sila? Napakahigpit nila sa akin, gayung 23-anyos na ako at masasabi kong nasa wastong gulang na. Hindi ako maka-attend ng mga pagtitipon sa lugar namin dahil hindi nila ako pinapayagan. May trabaho na ako at nakakatulong na rin sa pamilya namin, kaya naisip kong mamuhay na lang nang solo.


Magbo-board and lodging na lang ako sa Makati para magkaroon ng kalayaan at para hindi ako nasasakal sa sobrang higpit nila sa akin. Sasabihin ko na kailangan kong tumira malapit sa pinapasukan ko para makatipid sa pamasahe at para makaiwas sa pagbiyahe mula sa lugar namin papunta sa pinapasukan ko sa Makati. Tama ba ang gagawin ko?


Nagpapasalamat,

Rowena ng Valenzuela City


Sa iyo, Rowena,


Hindi mo maiaalis sa mga magulang mo ang maging mahigpit upang mapangalagaan ka kahit nasa hustong gulang ka na. Magpasalamat ka dahil iniingatan at pinoprotektahan ka nila dahil alam nila ang panahon ngayon na napakaraming masamang tao.


Kung inaakala mong kaya mong mamuhay mag-isa, ligtas sa anumang kapahamakan, kausapin mo sila nang maayos. Itaon mo na nasa magandang mood sila saka mo ipaliwanag nang mabuti kung bakit gusto mong tumira malapit sa pinapasukan mo.


Gawin mo ito sa mahinahong pagsasalita at sa palagay ko ay mauunawaan ka nila dahil hindi ka na bata. Gayundin, mangako ka sa kanila na tuloy-tuloy pa rin ang pagtulong mo sa inyong pamilya. Sikapin mong umuwi tuwing day off mo para hindi ka nila ma-miss.


Patnubayan ka nawa ng Diyos sa lahat ng pangarap mo sa buhay. Isa lang naman ang susi upang ikaw ay magtagumpay at pagpalain at ‘yan ay ang mahalin mo ang iyong mga magulang nang higit pa sa pagmamahal mo sa iyong sarili. Alalahanin mo, ang mga anak na walang galang sa magulang, walang pagmamahal, at hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi pinagpapala ng Diyos at kahit ano’ng gawing pagsisikap, sila ay bigo pa rin.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page