top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Imbiyerna sa mga kapatid na kapitbahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @MgaKuwentongBuhayatPag-ibig | February 28, 2022



Dear Sister Isabel,


Mahirap pala sa magkakapatid ang nakatira sa iisang compound. Minana namin sa aming mga magulang ang lupang kinatitirikan ng bahay naming magkakapatid. Pito kami sa loob ng compound at akala ko ay mas mainam na magkakatabi ang bahay ng magkakapatid dahil iisang dugo sila, may maaasahan sa lahat ng sandali at makakaramay sa mga problemang dumarating pero hindi pala. Sa halip, sila ang aaway sa iyo at kakamkam ng area mo kahit alam nilang hindi sa kanila ‘yun. Ganyan kasi ang nangyari sa akin, ‘yung balkonahe ko ay tinibag ng kapatid ko at nilagyan ng gate at naharangan ang isang pinto ko na ru’n mismo nakalagay. Sinigawan niya ako at siya pa ang galit at pati bintana sa harap ay natakpan at wala nang silbi.


Sister, ayaw ko ng away kaya hindi na lang ako kumibo kahit pati harap ng area ko ay ginawang tambakan ng iba ko pang kapatid.


Madalas akong wala sa bahay kaya hindi ko sila mapagbawalan na gawing tambakan ang area ko. Napakahirap pala talaga ‘pag magkakatabi ng bahay ang magkakapatid at kulang ang espasyong ito para isalaysay ang iba pang konsumisyon sa compound namin. Malapit na akong sumabog sa galit. Ayoko kasing makipagtalo at magtaas ng boses dahil nakakahiya sa mga kapitbahay, lalo pa’t malapit kami sa kalsada.


Alam kong kayo lamang ang makapagbibigay sa akin ng payo, kaya umaasa ako na hindi n’yo ako bibiguin.


Nagpapasalamat,

Dezzerie ng Tarlac


Sa iyo, Dezzerie,


Sa buhay na ito, pasensiya talaga ang dapat gawin hangga’t kayang magpasensiya.


Nakakalungkot talaga ang buhay sa mundo, karaniwan na sa magkakapatid ang hindi magkasundo, lalo na ngayon kaya hindi ka nag-iisa. Ang problema mo ay problema rin ng ibang magkakapatid na nakatira sa iisang compound. ‘Yung iba pa nga ay nagpapatayan dahil sa kapirasong lupa na minana nila sa mga magulang.


Makabubuting ipagdasal mo na lamang ang mga kapatid mo, lalo na ‘yung nagbibigay ng konsumisyon sa iyo. ‘Ika nga, love your enemy. Kung nagsimba ka last Sunday, ang pagbasa at salmo ay tungkol sa pagpapatawad. Mahirap gawin, pero kung ilalagay mo ito sa isip at puso mo, kapatid mo ang iyong kaaway, iisang dugo nananalaytay sa inyo, at alang-alang na rin sa yumao n’yong mga magulang, natitiyak kong kayang-kaya mong magtimpi at ipagdasal sila para sa ikagaganda ng pagsasamahan n’yo.


Alalahanin mo, ang taong mapagpatawad ay pinagpapala. Mas higit pa sa bahay mo r’yan sa compound n’yo ang mapasasaiyo. Gagantimpalaan ka ng langit dahil nagawa mong magtimpi at magpatawad dahil kung hindi mo sila mapapatawad, mahihirapan din ang Diyos na patawarin ka sa iyong mga kasalanan kung ikaw naman mismo ang hihingi ng kapatawaran.


Sa kabilang dako, bubuhos ang grasya at pagpapala sa taong maunawain, mapagpatawad at mapagpakumbaba.



Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page