top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Imbes suportahan daw sa prangkisa, maka-Digong pala… SIGAW NG NETIZENS: PIOLO, TINRAYDOR ANG ABS-CBN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2020
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 8, 2020




To the rescue si Alessandra de Rossi kay Piolo Pascual dahil iniintriga ang aktor kung bakit kinailangan niyang sumama kay Direk Bb. Joyce Bernal sa Sagada para sa shooting ng video na gagamitin sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Alex (palayaw ng aktres), kaya nasa Sagada rin si Papa P. with Direk Joyce ay dahil may ibang project na gagawin ang aktor at hindi para sa State of the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte.


Hindi raw related sa pulitika ang pagpunta ni Papa P. sa Sagada, Mountain Province.

He has a bigger project. Not related to politics, but to show the beauty of the Philippines,” ani Alex sa Twitter user na nagtatanong kung bakit kasama ni Direk Joyce ang Kapamilya actor.


“Sayang. But time will come 'pag puwede nang i-shoot 'yun. Nakakapag-shooting na nga 'yung iba, eh! Ito, bundok lang ang kukunan n'ya,” dagdag ng mahusay na aktres.


Nag-trending kasi kahapon ang pagpunta ni Direk Joyce at mga crew nito kasama ang Kapamilya actor sa Sagada, pero hindi pinayagan ng local government unit na makapag-shoot.


Ayon pa sa aktres, ano naman daw ang gagawin ni Papa P. sa SONA?


"Let them clarify that. It's not my story to tell. But def (definitely), walang kinalaman si Piolo sa sona at all. Ano'ng gagawin n'ya doon? Magmo-model?" sabi ni Alex sa mahaderang commenter.


Sina Alex at Papa P. ay naging best of friends since gumawa ng movie ang aktres sa Spring Films titled Kita Kita with Empoy Marquez. Si Papa P ang isa sa mga producers ng Spring Films.


Bilang kaibigan, tama lang na ipagtanggol ni Alex si Piolo dahil kung anu-ano na ang sinasabi ng ibang netizens hinggil sa pagsama ni Papa P sa grupo ni Direk Joyce.


Sabi nga ng isang netizen, "Siyempre, ipagtatanggol n'ya si Papa P kasi kung anu-ano ang sinasabi ng mga tao at may alam siya sa story. Posibleng hindi niya alam lahat-lahat pero mas may karapatan siyang magsalita kesa sa mga walang alam at all.”


“Piolo is not the type who will waste/use govt. funds. Ang yaman n'yan.


“Lahat tayo, hindi alam (ang) dahilan. Malay ba natin, kaya niya kasama si Joyce dahil si Direk ang magsu-shoot ng "baka lang" for tourism video ni Piolo. Walang bayad si Piolo d'yan, bale contribution niya sa tourism industry. At kaya siguro may escort na pulis kasi nga magsu-shoot sila para walang abala. Tingin ko naman si Piolo, nagpa-covid test na 'yan.”


Para naman sa ibang netizens, pagtataksil sa ABS-CBN ang ginawa ni Piolo dahil imbes daw ang home network na nagpasikat at nagpayaman sa kanya ang suportahan nito ngayon para mapagbigyan sa panibagong prangkisa, ang gobyerno pang nagdidiin sa Kapamilya Channel ang kanyang tinutulungan.


Wala pang reaksiyon si Papa P hinggil sa isyung ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page