top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Illegal recruiter, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 22, 2023


CAPIZ—Isang illegal recruiter ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Baybay, Roxas City sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Carrel Escobido, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya si Escobido dahil sa reklamo ng mga naging biktima ng illegal recruitment ng suspek.


Ayon sa mga hindi pinangalanang biktima, matapos nilang magbigay ng pera kay Escobido para makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi na ito nagpakita sa kanila.


Napag-alaman na naaresto si Escobido sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos hingan ulit ng pera ng suspek ang dalawa sa kanyang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page