Illegal recruiter, nasakote

@Balitang Probinsiya | January 8, 2021
NUEVA ECIJA—Isang illegal recruiter ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, San Isidro.
Kinilala ang suspek na si Jomar Estabillo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya si Estabillo dahil sa reklamo ng mga naging biktima ng illegal recruitment ng suspek.
Ayon sa mga hindi pinangalanang biktima, matapos silang magbigay ng pera kay Estabillo para makapagtrabaho sa ibang bansa ay hindi na ito nagpakita sa kanila.
Napag-alamang naaresto si Estabillo sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos na hingan na naman ng pera ng suspek ang isa sa kanyang biktima.



Comments